Posts

Showing posts from April, 2026

Nagsasayaw nang mag-isa

Image
NAGSASAYAW NANG MAG-ISA ‎ ‎ako'y nagsasayaw nang mag-isa ‎sa musika ng mga harana ‎kunwa'y hawak ang kamay ng sinta ‎nakapikit, naririto siya ‎ ‎para akong baliw, umiiyak ‎hanap ang kanyang mga halakhak ‎kahapon namin pa'y nag-aantak ‎sa puso't diwà na'y nakatatak ‎ ‎tila ba ayoko nang magising ‎sa pag-idlip at pagkagupiling ‎nais kong magpatuloy na himbing ‎magkahawak yaong kamay namin ‎ ‎paumanhin sa patak ng luhà ‎na tilà lansangan ay binahâ ‎ganito lang ang abang makatâ na di ko naman mapagkailâ ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026

Luhà ko'y tila patak ng ulan

Image
‎LUHÀ KO'Y TILA PATAK NG ULAN ‎ ‎luhà ko'y tila patak ng ulan ‎luhang payak lang kung iyong tingnan ‎subalit wasak ang kalooban ‎nang aking sinisinta'y lumisan ‎ ‎nakangiti sa harap ng iba ngunit puso ko'y hirap talaga ‎ang pinangarap namin ng sinta ‎ay bulang tuluyang naglaho na ‎ may pamilyang itinataguyod ‎ang pagsasama'y nakalulugod ‎subalit para akong nalunod ‎sa dagat ng kawalan, sumudsod ‎ ‎saan pa susuot ang tulad ko? ‎buti't inaalalayan ako ‎nitong panitikan, tula't kwento ‎na binubúhay akong totoo ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026

Sa puntod ng sinta

Image
SA PUNTOD NG SINTA ‎ ‎kaylayo man, ako'y nakarating ‎sa puntod ng sintang tinatangi na ang alay ng makatang taring ‎ay tula't di maiwasang hikbi ‎ ‎gumuhò ma'y lahat ng pangarap ‎ay dapat magpatuloy ang búhay ‎kayâ kailangan kong magsikap ‎at tagumpay ko'y sa sinta alay ‎ ‎may libreto na ng mga tulâ ‎subalit wala pa ring nobela ‎ako ma'y isang abang makatâ ‎nangangarap maging nobelista ‎ ‎narito ako sa kanyang puntod ‎na pag-ibig ang ibinubulong ‎na sa sumpaa'y di tatalikod ‎pagkat puso'y siya ang kadugtong  ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026