Posts

Showing posts from November, 2025

Pagdalaw sa puntod ni Ka Pabs

Image
PAGDALAW SA PUNTOD NI KA PABS naimbitahan akong sumama't dumalaw sa sementeryo, pagyayang di tinanggihan tula'y agad nilikha sa kainitan ng araw dinalaw si Ka Pabs, magiting at palaban isa siyang kasama, kapwa ex-detainee dinalaw namin ang kanyang puntod sa Tanay biglaan, namatay sa Home for the Elderly wala raw kumuhang kamag-anak sa bangkay batikang aktibista, isang mandirigmâ nakibaka sa panahon ng diktadura siya pala'y may kanser na tila lumalâ wala rin daw kamag-anak siyang kasama ilang beses din kaming nagkita sa pulong ng Ex-Political Detainees Initiative na samahan ng mga dati nang nakulong dahil nakibaka't ang prinsipyo'y dinibdib nag-asikaso't tumulong sa kanya'y Balay na minsan na ring kumupkop sa tulad namin sa'yo, Ka Pabs, taaskamaong pagpupugay kaisa ka sa marangal na adhikain - gregoriovbituinjr. 11.28.2025 * Balay - tumutukoy sa Balay Rehabilitation Center * binasa sa munting programang isinagawa roon ang ikalawa hanggang ikalimang saknon...

Nanlaban o di nakalaban?

Image
NANLABAN O DI MAKALABAN? ang sabi, sila'y nanlaban sila ba'y nakapanlaban? o di sila makalaban? pagkat agad binanatan... - gregoriovbituinjr. 11.27.2025 * litrato mula sa google