Posts

Showing posts from July, 2025

Kabayanihan sa gitna ng unos

Image
KABAYANIHAN SA GITNA NG UNOS salamat at nababalita ang ganitong kabayanihan nars na sumagip ng binaha ang inabot ng kamatayan si  Alvin Jalasan Velasco ang halimbawa ng bayani sa ngayong panahong moderno tumupad sa misyon, nagsilbi siya'y nars at ambulance driver na sa pagsagip ay mabilis responder sa Local Disaster Risk Reduction Management Office mabuhay ka, Alvin, mabuhay at di ka nagdalawang isip sinakripisyo mo ang buhay upang iyong kapwa'y masagip - gregoriovbituinjr. 07.26.2025 * ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Hulyo 26, 2025, tampok na balita (headline) at pahina 2

Pahimakas kay kasamang Rod

Image
PAHIMAKAS KAY KASAMANG ROD (binigkas ng makatang gala sa pugay-parangal) sa iyo, kasama, pagpupugay sa pagpapatibay mo ng hanay sa adhikaing lipunang pantay para sa masa, misyon mo'y lantay ating kasamang Rod Guarino mahusay makitungo sa tao kasama ng guro, prinsipyado organisador siyang totoo naging secgen namin sa BMP naging pangulo namin sa XD organisador pa ng TDC at sa Ating Guro pa'y nagsilbi salamat sa lahat ng nagawa pinaglaban ang isyu ng madla kasangga ng uring manggagawa kaisa ng guro't maralita  pakikibaka ang ibinunsod ng pagkilos mo at paglilingkod ginhawa ng masa'y tinaguyod taasnoong pagpupugay, Ka Rod - gregoriovbituinjr. 07.03.2025 * BMP - Bukluran ng Manggagawang Pilipino * XDI - Ex-Political Detainees Initiative * TDC - Teachers Dignity Coalition  * Ating Guro party list