Posts

Showing posts from November, 2024

Paalam, Aegis Mercy Sunot

Image
PAALAM, AEGIS MERCY SUNOT taginting ng boses mo'y nanunuot sa puso't diwa'y di nakababagot tinig mong kapanatagan ang dulot subalit wala ka na,  Mercy Sunot kami'y taospusong nakikiramay  sa pamilya mo, O, idolong tunay sa Aegis, taospusong pagpupugay sa mga narating ninyo't tagumpay mula nang mapakinggan ko ang  Aegis hinanap ko na ang awit n'yo 't boses ginhawa sa puso'y nadamang labis bagamat nawala na ang vocalist  subalit mananatili ang tinig sa aming henerasyon nagpakilig Mercy , patuloy kaming makikinig sa inyong awit at kaygandang himig - gregoriovbituinjr. 11.20.2024 * litrato mula sa isang fb reel

Pabahay at karapatan, pinaglaban ni Ka Edwin

Image
PABAHAY AT KARAPATAN, PINAGLABAN NI KA EDWIN mahahalagang isyu ang ipinaglaban ni Ka Edwin: ang pabahay at karapatan nais niya'y maayos na paninirahan at maitayo ang makataong lipunan di dapat maagrabyado kahit dukha man mga nanay ng na-EJK, tinulungan naaapi'y tinuruan ng karapatan ipinaglaban ang hustisyang panlipunan mabuting kakosa, mabuting kaibigan sa mga nakasalamuha n'yang lubusan sa PhilRight, ZOTO, KPML, PLM man TFD, Ex-D na kanyang pinamunuan taaskamaong pagpupugay, comrade Edwin daghang salamat sa pinagsamahan natin sa marami, bayani kang maituturing mga pinaglaban mo'y itutuloy namin - gregoriovbituinjr. 11.12.2024 * ito ang ikalawang tulang binasa ng makatang gala noong lamay ng Nobyembre 12, 2024 * kuha ng isang kasama ang litrato sa isang pulong ng Ex-D sa Sampaloc, Maynila * EJK - extrajudicial killings * ZOTO - Zone One Tondo Organization * KPML - Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod * PLM - Partido Lakas ng Masa * TFD - Task Force Detainees (o...

Pagpupugay kay kasamang Edwin

Image
PAGPUPUGAY KAY KASAMANG EDWIN taaskamaong pagpupugay, comrade Edwin na higit dalawang dekada ang nagdaan noong dumalaw kayo ni Omar sa akin habang hinihimas ko'y rehas sa piitan tandang-tanda ko pa ang pangyayaring iyon sa piitan tayo unang nagkakilala hanggang dumating din ang asam na panahon  ng paglaya't muling naging lingkod ng masa  sa Ex-D Initiative, ako'y niyaya mo sa grupo ng dating political prisoners at doon kumilos, aktibong naging myembro sigaw natin:  Free All Political Prisoners! pagpupugay, Ka Edwin, sa iyong pagpanaw  isa kang inspirasyon sa mga kauri ang mga nagawa mo'y magsisilbing tanglaw  paalam, Kasamang Edwin, hanggang sa muli - gregoriovbituinjr. 11.12.2024