Posts

Showing posts from May, 2024

Pahimakas kay Direk Carlo J. Caparas

Image
PAHIMAKAS KAY CARLO J. CAPARAS bata pa lang ako'y kilala ko na siya una'y sa komiks, sunod ay sa pelikula Totoy Bato ni F.P.J.  ay likha niya Ang Panday  hanggang ikaapat na yugto pa siya nga'y bahagi ng aming kabataan sa  komiks  na inaarkila sa tindahan na sadya namang aming kinagigiliwan walang pang socmed, komiks na'y aming libangan basta pag nabalitang  Carlo J. Caparas yaong mga pelikulang ipapalabas tiyak na iyon ay maaksyon at magilas tatabo sa takilya, kwento ma'y marahas mga nagawa mo'y sadyang kahanga-hanga bagamat sa iyo'y maraming tumuligsa parangal na  National Artist  pa'y nawala nang Korte Suprema ang nagdeklarang sadya gayunpaman, sa tulad mo ako'y saludo mula nang makilala ka sa  Totoy Bato pasasalamat ang tanging masasabi ko pagpupugay sa lahat ng mga ambag mo - gregoriovbituinjr. 05.27.2024 * mula sa pahayagang  Pang-Masa,  ika-27 ng Mayo, 2024, pahina 6 *  https://www.spot.ph/newsfeatures/53963/carlo-j-caparas-n...