Posts

Showing posts from January, 2024

Fr. Oscar Ante: Pari, Guro, Kaibigan

Image
FR. OSCAR ANTE, PARI, GURO, KAIBIGAN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Enero 19, 2024 nang ibinalita sa akin ni kasamang Thorvix na namatay na si Father Oca, o  Fr. Oscar Ante, OFM , na matagal ko ring nakasama sa simbahan sa Bustillos. Dalawa ang simbahan sa Bustillos St., sa Sampaloc, Maynila. Ang malaki ay ang Our Lady of Loreto Parish, at ang maliit ay ang St. Anthony Shrine, na kilala ring VOT. Natatandaan ko pa ang nakasulat sa kisame ng St. Anthony Shrine: Devs Mevs Et Omnia. Walking distance lang ito sa aming bahay. Hayskul pa lang ako'y aktibo na sa simbahan. Noong 1984 ay ipinasok ako ng aking ama, na kasapi ng Holy Name Society, sa tatlong araw na live in seminar na CYM (Catholic Youth Movement) sa Loreto Parish. Pinangasiwaan ang seminar na iyon ng Holy Name Society. Matapos iyon ay napasama na ako sa Magnificat choir, na umaawit tuwing Linggo sa Loreto church, na pawang mga taga-Labanderos Street ang kumakanta. Subalit sa kalaunan ay sa St. Anthony Sh...

Samboy Lim, idolong Letranista

Image
SAMBOY LIM, IDOLONG LETRANISTA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Isa ako sa mga nalungkot sa pagkamatay ng aking idolong basketbolista na si  Avelino "Samboy" Lim Jr.  Nitong Disyembre 23, 2023 ay namatay si idol sa gulang na 61.  Sa loob ng apat na taon ko sa hayskul (wala pang K-12 noon) ay nakita ko nang personal at napanood ang mga laban nina Samboy Lim sa Rizal Memorial Colisuem, na siyang palagiang venue noon ng NCAA (National Collegiate Athletic Association), kung saan magkakaribal sa liga ang Letran, San Beda, Mapua, San Sebastian, Jose Rizal College, at di ko na matandaan ang iba pa. Matapos ang mga aralin mula ikapito ng umaga hanggang ikatlo ng hapon, magtutungo na ako sa Letran gym upang doon tumambay. May anim na basketball court doon - isang full court na siyang pinaglalaruan ng mga atleta, at apat na half court sa gilid, tigalawa magkabila, subalit magkatapatan din. Hihiram kami ng bola sa janitor kapalit ng ID. At matapos maglaro kaming m...