Posts

Showing posts from August, 2021

Pahimakas kay Neil Doloricon

Image
PAHIMAKAS KAY NEIL DOLORICON taas-kamaong pagpupugay kay Neil Doloricon sa kanyang mapagpalayang sining noon at ngayon kapuri-puring pagguhit na kanyang dedikasyon upang ilarawan ang sa bayan ay aping seksyon nang mabasa sa balita ang kanyang pagkamatay ako'y nalungkot subalit naritong nagpupugay gayunman, marami siyang pamanang anong husay mapagmulat, palaban, may hustisyang tinataglay may pamanang naiwan sa tanggapan ng paggawa na kanyang iginuhit, siya mismo ang lumikha hinggil iyon sa aklasan ng mga manggagawa isang alaala sa kanyang husay sa pagkatha pinamagatan iyong "Tunggalian sa Piketlayn" na iyong makikita sa tanggapan ng Bukluran paglalarawan sa obrerong nakikipaglaban upang kamtin ang asam na hustisyang panlipunan muli, Neil Doloricon, taospusong pagpupugay sayang at di kita nakasama sa paglalakbay ang sining mo't ang tula ko sana'y nagkaagapay upang itaguyod ang hustisya hanggang tagumpay - gregoriovbituinjr. 08.04.2022 * Ang nasabing sining ni Neil D...