Posts

Showing posts from July, 2021

Pagpupugay kay Kasamang Sammy Gamboa

Image
PAGPUPUGAY KAY KASAMANG SAMMY GAMBOA Pagpupugay sa iyo, kasamang Sammy Gamboa Katawan mo'y nawala, ngunit diwa'y narito pa Marami kang binahagi tungkol sa ekonomya Nakasama sa mga rali at pakikibaka "Freedom from illegitimate debts!"  nga'y iyong hiniyaw "Comprehensive audit of all public debts"   pa'y sinigaw Sa press statements at balita, ngalan mo'y lumitaw Mga pagsusuri sa utang ay napakalinaw Ilang beses ka ring bumili ng gawa kong libro Na pawang inilathala ng Aklatang Obrero Aklat ng mga sanaysay, serye ng librong MASO Bumili't sumuporta sa mga tulang nilibro Pareho tayong secgen ng ating organisasyon Magaling kang secgen ng Freedom from Debt Coalition Di ko malilimutan ang mga payo mo noon Sa KPML at Ex-D'y ginagamit ko ngayon Mga tindig sa isyu'y pinag-aralan mong husay At sa tungkuling hawak ay nagsipag at nagsikhay Sa iyo, Ka Sammy, taas-kamaong pagpupugay Taospusong pasasalamat! Mabuhay! Mabuhay! - gregoriovbituinjr. (Alay...