Posts

Showing posts from October, 2020

Sa unang anibersaryo ng kamatayan ni Ka Pedring Fadrigon

Image
nabigla kami sa biglaan mong pagpanaw noon dahil ama ka ng maralita't ng asosasyon unang anibersaryo ng kamatayan mo ngayon at ginugunita ka, pangulong Pedring Fadrigon sa mga lider-maralita, pangalan mo'y sambit mga tulong sa kapwa dukha'y di ipinagkait lider na kaysipag hanggang kamataya'y sumapit ang batikang Ka Kokoy Gan ang sa iyo'y pumalit kayhusay sa pagkilos at tunay kang nagpapagal pagkat ipinaglaban ang maralita't ang dangal ang pagiging lider mo'y ipinakita sa asal kaya dapat isulat yaong naiwan mong aral buhay na buhay nga ang kolum mong Tinig ng Dukha sa ating pahayagang Taliba ng Maralita na sadyang pumukaw sa puso't diwa ng dalita habang iyong tangan ang ating prinsipyo't adhika sa aming paggunita sa unang anibersaryo ng iyong pagkamatay, K.P.M.L. ay narito O, Ka Pedring Fadrigon, kami sa iyo'y saludo maraming salamat sa mga payo't pangaral mo - gregoriovbituinjr. 10.06.2020