Pahimakas kay Ka Susan Quimpo
Pahimakas kay Ka Susan Quimpo sa tapat ng Korte Suprema unang nakilala si Mam Susan Quimpo, na isang kapwa aktibista may rali roon tungkol sa paglibing sa diktador sa Libingan ng mga Bayani, aba'y que horror at binati niya ako matapos kong bumigkas ng likha kong tula sa munting programang palabas matapos iyon ay marami pang mga pagkilos ang sinamahan upang huwag malibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani pagkat di ito bayani, anang taumbayan, "Marcos is No Hero" maraming grupong nabuo, Block Marcos, Coalition Against Marcos Burial, at iba pang organisasyon kung saan tula ko'y binibigkas ko sa kalsada pati na sa isang konsyerto doon sa Luneta at naroon si Mam Susan, ngiti ang pasalubong animo'y isang ate, tiya, o inang naroon tawag nga niya sa akin ay si Greg, ang Makata na nakangiting babati matapos kong tumula isa sa awtor ng aklat na mamo-"move ka sa tears": “Subversive Lives: A Family Memoir of the Marcos Years" alagad siya ng sining, manunulat...