Posts

Pahimakas kay kasamang Rod

Image
PAHIMAKAS KAY KASAMANG ROD (binigkas ng makatang gala sa pugay-parangal) sa iyo, kasama, pagpupugay sa pagpapatibay mo ng hanay sa adhikaing lipunang pantay para sa masa, misyon mo'y lantay ating kasamang Rod Guarino mahusay makitungo sa tao kasama ng guro, prinsipyado organisador siyang totoo naging secgen namin sa BMP naging pangulo namin sa XD organisador pa ng TDC at sa Ating Guro pa'y nagsilbi salamat sa lahat ng nagawa pinaglaban ang isyu ng madla kasangga ng uring manggagawa kaisa ng guro't maralita  pakikibaka ang ibinunsod ng pagkilos mo at paglilingkod ginhawa ng masa'y tinaguyod taasnoong pagpupugay, Ka Rod - gregoriovbituinjr. 07.03.2025 * BMP - Bukluran ng Manggagawang Pilipino * XDI - Ex-Political Detainees Initiative * TDC - Teachers Dignity Coalition  * Ating Guro party list

Nakauwi ka na, aking sinta

Image
NAKAUWI KA NA, AKING SINTA  nakauwi ka na, sinta, sa Barlig ikaw na punong-puno ng pag-ibig habang ako'y tigib pa ng ligalig pagkat wala na yaring iniibig kaytagal ng ating pinagsamahan kinasal pitong taon ang nagdaan magkasamang bumuo ng tahanan pinaksa ka sa aking panulaan ikaw ang musa ng aking panitik nasa lansangan mang araw ay tirik sa paggawa'y walang patumpik-tumpik katabi ka'y gagawaran ng halik sa bahay ninyo'y nakauwi ka na sa tahanan ng iyong ama't ina O, Libay, laging nasa puso kita sinta, hanggang sa muling pagkikita - gregoriovbituinjr. 06.19.2025

Pahimakas kay Ka Freddie Aguilar

Image
PAHIMAKAS KAY KA FREDDIE AGUILAR bata pa lang ako nang marinig ko't mapanood na nanalo sa internasyunal ang kanyang  ANAK sa Student Canteen yata iyon nang mapakinggan nang premyadong pyesa'y inawit ni Freddie Aguilar nineteen eighty eight noong ako'y magtungo sa Japan bilang iskolar, on-the-job training, anim na buwan pinadalhan ako ng cassette tape ng aking ama ng mga kanta ng Boyfriends at ni  Freddie Aguilar nang pinatugtog ko sa pabrikang pinaglingkuran ay gustong-gusto ng mga Hapon na manggagawa ang melodiya o himig ng  ANAK  na narinig at proud ako bilang Pinoy doon, nakakikilig nang maglaon, nadagdagan ang liriko ng  Anak inspirasyon itong sa aking pagkatha'y nagtulak kaya ako'y kanyang tagapakinig na masugid bukod sa Anak, kayrami niyang kaygandang awit dapat gawaran ng  National Artist  si  Ka Freddie ngunit noong nabubuhay pa'y di iyon nangyari sa puso ng marami, siya na'y national artist mga awit niya'y maipagmamalaking labis paalam,...

Pagpupugay kay Cong. Edcel Lagman

Image
PAGPUPUGAY KAY CONG. EDCEL LAGMAN isang taaskamaong pagpupugay sa iyo ang aming iniaalay sa tapat mong dedikasyon at husay upang masa'y mapaglingkurang tunay isa kang magaling na mambabatas na kayrami nang naipasang batas: ang makabuluhang Anti-Torture Act pati Anti-Enforced Disappearance Act ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act, Responsible Parenthood and Reproductive Health Act at ibang mahahalagang batas tulad mo'y isang matatag na muog na di basta-basta nabubulabog sa debate, talagang nandudurog ng katunggaling matalino't subok tulad mo'y agila sa himpapawid puso'y bukas sa masa, di mapinid kung magmaneho'y di tumatagilid tulad sa Kongresong mensahe'y hatid tulad mo'y tala sa gabing madilim tinitingala sa diwang kaylalim karapatang pantao'y itinanim sa aklat at puso ng magigiting tulad mo'y dakilang lider-obrero na umalalay sa maraming kaso ng manggagawang nakibakang todo upang karapata'y maipanalo maraming salamat, Ka ...

Paalam, Aegis Mercy Sunot

Image
PAALAM, AEGIS MERCY SUNOT taginting ng boses mo'y nanunuot sa puso't diwa'y di nakababagot tinig mong kapanatagan ang dulot subalit wala ka na,  Mercy Sunot kami'y taospusong nakikiramay  sa pamilya mo, O, idolong tunay sa Aegis, taospusong pagpupugay sa mga narating ninyo't tagumpay mula nang mapakinggan ko ang  Aegis hinanap ko na ang awit n'yo 't boses ginhawa sa puso'y nadamang labis bagamat nawala na ang vocalist  subalit mananatili ang tinig sa aming henerasyon nagpakilig Mercy , patuloy kaming makikinig sa inyong awit at kaygandang himig - gregoriovbituinjr. 11.20.2024 * litrato mula sa isang fb reel

Pabahay at karapatan, pinaglaban ni Ka Edwin

Image
PABAHAY AT KARAPATAN, PINAGLABAN NI KA EDWIN mahahalagang isyu ang ipinaglaban ni Ka Edwin: ang pabahay at karapatan nais niya'y maayos na paninirahan at maitayo ang makataong lipunan di dapat maagrabyado kahit dukha man mga nanay ng na-EJK, tinulungan naaapi'y tinuruan ng karapatan ipinaglaban ang hustisyang panlipunan mabuting kakosa, mabuting kaibigan sa mga nakasalamuha n'yang lubusan sa PhilRight, ZOTO, KPML, PLM man TFD, Ex-D na kanyang pinamunuan taaskamaong pagpupugay, comrade Edwin daghang salamat sa pinagsamahan natin sa marami, bayani kang maituturing mga pinaglaban mo'y itutuloy namin - gregoriovbituinjr. 11.12.2024 * ito ang ikalawang tulang binasa ng makatang gala noong lamay ng Nobyembre 12, 2024 * kuha ng isang kasama ang litrato sa isang pulong ng Ex-D sa Sampaloc, Maynila * EJK - extrajudicial killings * ZOTO - Zone One Tondo Organization * KPML - Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod * PLM - Partido Lakas ng Masa * TFD - Task Force Detainees (o...

Pagpupugay kay kasamang Edwin

Image
PAGPUPUGAY KAY KASAMANG EDWIN taaskamaong pagpupugay, comrade Edwin na higit dalawang dekada ang nagdaan noong dumalaw kayo ni Omar sa akin habang hinihimas ko'y rehas sa piitan tandang-tanda ko pa ang pangyayaring iyon sa piitan tayo unang nagkakilala hanggang dumating din ang asam na panahon  ng paglaya't muling naging lingkod ng masa  sa Ex-D Initiative, ako'y niyaya mo sa grupo ng dating political prisoners at doon kumilos, aktibong naging myembro sigaw natin:  Free All Political Prisoners! pagpupugay, Ka Edwin, sa iyong pagpanaw  isa kang inspirasyon sa mga kauri ang mga nagawa mo'y magsisilbing tanglaw  paalam, Kasamang Edwin, hanggang sa muli - gregoriovbituinjr. 11.12.2024