Posts

Fr. Oscar Ante: Pari, Guro, Kaibigan

Image
FR. OSCAR ANTE, PARI, GURO, KAIBIGAN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Enero 19, 2024 nang ibinalita sa akin ni kasamang Thorvix na namatay na si Father Oca, o  Fr. Oscar Ante, OFM , na matagal ko ring nakasama sa simbahan sa Bustillos. Dalawa ang simbahan sa Bustillos St., sa Sampaloc, Maynila. Ang malaki ay ang Our Lady of Loreto Parish, at ang maliit ay ang St. Anthony Shrine, na kilala ring VOT. Natatandaan ko pa ang nakasulat sa kisame ng St. Anthony Shrine: Devs Mevs Et Omnia. Walking distance lang ito sa aming bahay. Hayskul pa lang ako'y aktibo na sa simbahan. Noong 1984 ay ipinasok ako ng aking ama, na kasapi ng Holy Name Society, sa tatlong araw na live in seminar na CYM (Catholic Youth Movement) sa Loreto Parish. Pinangasiwaan ang seminar na iyon ng Holy Name Society. Matapos iyon ay napasama na ako sa Magnificat choir, na umaawit tuwing Linggo sa Loreto church, na pawang mga taga-Labanderos Street ang kumakanta. Subalit sa kalaunan ay sa St. Anthony Sh

Samboy Lim, idolong Letranista

Image
SAMBOY LIM, IDOLONG LETRANISTA Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Isa ako sa mga nalungkot sa pagkamatay ng aking idolong basketbolista na si  Avelino "Samboy" Lim Jr.  Nitong Disyembre 23, 2023 ay namatay si idol sa gulang na 61.  Sa loob ng apat na taon ko sa hayskul (wala pang K-12 noon) ay nakita ko nang personal at napanood ang mga laban nina Samboy Lim sa Rizal Memorial Colisuem, na siyang palagiang venue noon ng NCAA (National Collegiate Athletic Association), kung saan magkakaribal sa liga ang Letran, San Beda, Mapua, San Sebastian, Jose Rizal College, at di ko na matandaan ang iba pa. Matapos ang mga aralin mula ikapito ng umaga hanggang ikatlo ng hapon, magtutungo na ako sa Letran gym upang doon tumambay. May anim na basketball court doon - isang full court na siyang pinaglalaruan ng mga atleta, at apat na half court sa gilid, tigalawa magkabila, subalit magkatapatan din. Hihiram kami ng bola sa janitor kapalit ng ID. At matapos maglaro kaming magka

Sa dalawang magigiting

Image
SA DALAWANG MAGITING taospuso pong pakikiramay sa pamilya ng mga namatay isa'y kilalang mamamahayag isa'y mahusay na manggagawa sumikat noon si  Mike Enriquez sa kanyang pagsisilbi sa bayan sa Imbestigador maririnig: "Hindi namin kayo tatantanan" kilala rin namin si  Efren Cas organisador ng manggagawa na pangarap ay lipunang patas at lipunang makataong sadya isa'y sikat na mamamahayag kilala sa radyo't telebisyon ang isa'y magaling na kasama at kilala sa maraming unyon inalay ninyo ang inyong buhay para sa kagalingan ng tanan sa inyong dalawa'y pagpupugay salamat sa ambag n'yo sa bayan - gregoriovbituinjr. 09.01.2023

Sa ika-50 anibersaryo ng pagkamatay ni Bruce Lee

Image
SA IKA-50 ANIBERSARYO NG PAGKAMATAY NI BRUCE LEE  07.20.2023 bata pa'y napanood ko na siya sa lima niyang gawang pelikula The Big Boss  at  Fist of Fury  talaga Way of the Dragon, Enter the Dragon  pa pati ang di natapos na  Game of Death bantog siyang martial artist subalit namatay siya sa gabing pusikit sa kama niyong artistang marikit ngunit pelikulang kinagiliwan ng madla'y sadyang walang kamatayan aiya'y naging imortal at huwaran ng  mixed martial arts  sa kasalukuyan isa si  Ip Man  sa kanya'y nagturo ng wing chun ku, kaydakilang guro ngunit turo nila'y di maglalaho na kumalat sa iba't ibang dako ang  Jeet Kune Do  ay tinatag niya rin na kung aaralin ko'y didibdibin tinipon ang kanyang mga sulatin Tao of Jeet Kune Do  ay sinaaklat din mabuhay ka,  Bruce Lee , sa iyong ambag isa kang moog na sadyang matatag sa pelikula't librong nailimbag reputasyon mo'y di na matitinag - gregoriovbituinjr. 07.20.2023 * BRUCE LEE - November 27, 1940 - July 20, 1

Pahimakas kay Lola Yuen

Image
PAHIMAKAS KAY LOLA YUEN una ko siyang nakilala sa Lagman Law Office kausap pa niya noon si Ka Sara Rosales hanggang makasama namin siya nang ilang beses sa mga pagkilos sa mga isyung di matiis pagkat kailangang magsalita sa mga isyu na talagang tumatama sa karaniwang tao si Lola Yuen ay nagtatalumpating totoo upang masabi ang panig ng tao sa gobyerno sa matagal na panahon ay di na nagkasama dahil sa magkaibang samahan kami napunta subalit sa mga gawain, minsan nagkikita siya'y gayon pa rin, napakamahinahon niya nakikita siya sa Freedom from Debt Coalition, sa P. M. C. J., at iba't ibang organisasyon na kinatawan ng Partido Manggagawa roon at kita mong masigasig siya sa nilalayon sa iyo, Lola Yuen, taospusong pagpupugay salamat sa panahon at buhay mong inialay para sa uri at bayan, mabuhay ka! MABUHAY! muli, Lola Yuen, taaskamaong pagpupugay! - gregoriovbituinjr. 04.11.2023 * Binasa ng makata sa parangal para kay Lola Yuen

Ka Jimmy Tadeo

Image
KA JIMMY TADEO anim kaming nakiramay mula sa Ex-D at umawit bilang parangal kay Ka Jimmy ng kantang  "Detenido"  para sa bayani ng magsasaka, nakiramay nga'y kayrami sa sasakyan pa lamang patungo sa sadya munting kwaderno'y kinuha ko't nakagawa ng dalawang taludtod ng alay na tula na binigkas ko roon sa harap ng madla: "Si Ka Jimmy Tadeo, lider-magbubukid pangarap niya'y paglayang dapat mabatid paglaya sa hirap na sa atin binulid ng uring mapang-aping dusa ang hinatid pagbabago ng sistema'y kanyang adhika na sa kanya'y isang pangarap na dakila pagpupugay, Ka Jimmy, ikaw ma'y nawala ay mananatiling buhay ang iyong diwa" bertdey din pala niya ang araw na iyon nang luksang parangal ay idinaos doon Ka Jimmy, pamana mong diwa'y aming baon tungo sa lipunang asam at nilalayon - gregoriovbituinjr. 03.29.2023 * salamat sa kumuha ng litrato na ibinahagi sa Ex-D

Ka Heber

Image
KA HEBER isa si Heber sa inidolo ko nang bata pa dahil may ibig sabihin ang bawat niyang kanta mga awiting nagmulat sa aking mga mata upang maunawa't manindigan para sa masa Nena, Babae, Dukha, Tumindig Ka, anong galing Payag Ka Ba, Lerry, Istambay, Kung Walang Pag-ibig Karaniwang Tao, Almusal, Inutil na Gising Tayo'y Mga Pinoy, ilang sikat niyang awitin sa Banyuhay ni Heber, taospusong pagpupugay liriko ng mga awitin ay napagninilay makadaupang palad siya'y karanasang tunay at nakahuntahan pa si Heber sa kanyang bahay sa inilunsad niyang Paskong Tuyo'y nakadalo ng ilang beses, may tulaan at mini-konsyerto sa kanyang tahanan at pinatula niya ako si Mike Hanopol ang isa sa bumisita rito nakadalo rin kasama ang ibang manunulat nang magtalakay siya sa sining niya't panulat binigyan ko siya ng ilan kong inakdang aklat ako'y binigyan ng album niyang kanta'y pangmulat mabuhay ka, Ka Heber, salamat sa iyong awit pamana mo sa bayan ay liwanag sa pusikit na karimlang